Repost from Friendster Blog
Madaming nagsasabi sa akin na bakit hindi na lang daw ako magpapayat kasi mas maganda raw ako nung payat o dahil sobrang taba ko na raw.
Andaming babae ang halos magpakamatay na sa pagpapayat. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan payat ang isang tao para masabing maganda. Inaamin ko na may mga pagkakataong naiinggit ako dahil may mga damit akong hindi masuot na hindi tulad ng ibang babae e kahit ano ang isuot, nagkakasya. Pero sa totoo lang, hindi pagpapayat ang pangarap ko at ayokong maging maganda dahil pumayat ako.
Oo, hindi ko naman sinasabing wala akong kabalak-balak magpapayat o wala akong pangarap na pumayat. Meron din naman. Pero sa totoo lang, kaya ko gusto magpapayat e para maiwasan ko ang mga sakit. At upang masuot ang mga gusto kong damit (na kung sana’y may gumagawa ng maraming malalaking damit at magaganda) e hindi ko na kailangang magpapayat. Take not, hindi ako nagpapapayat para sa inyo. Ito ay para sa akin.
Sa buhay ko, wala na yata akong problemang malaki bukod sa pera. Masaya ako sa lahat ng ginagawa at nangyayari sa buhay ko ngayon. Bakit? Kasi tanngap ko kung ano ang meron ako at kung sino ako. May mga pangarap din ako ngunit sila ay nagsisilbing pathway o direksyon lamang kung saan ako dapat pumunta. Kung anuman ang ibigay o dumaan sa akin, malugod ko iyong tatanggapin. Kaya nga sa tuwing tinatanong ako o may nagtatnong kung ano ba ang greatest regret ko sa buhay, "wala" ang sagot ko. Sapagkat kung anuman ang meron ako o ang nangyayari sa akin ay pinili ko at kung anuman ang mga kahinatnan ng mga desisyon ko noon, maluwag sa puso ko itong tinatanggap.
Sa buhay, para sa akin napakahalaga na marunong tayong tumanggap sa kung ano ang meron tayo at kung ano ang kaya lang nating abutin. Sapagkat ang kagalingan at kagandahan ng isang tao ay hindi nasusukat sa kapal ng pitaka, sa dami ng matang lumilingon, sa haba ng karansan sa akademya o propesyunal, kundi ito ay tinitignan sa kung paano kayang dalhin ng isang tao ang kanyang sarili at buhay at maging maligaya sa kabila ng kakulangan sa pera, kasiraan ng mukha, o kawalang edukasyon. Kung tayo ay marunong makuntento, walang istandard ang kagandahan at kagalingan sapagkat ang bawat isa sa atin ay maganda ayon sa pagtingin natin sa kagandahan.
Maaring mataba nga ako o hindi nakakaangat sa buhay, pero masasabi kong maganda ako. Maganda ako at masaya. Masasabi kong sa buhay ko, wala na akong hahanapin pang iba.
Para sa mga makulit na nagsasabing magpapayat na ako o mataba ako:
1) Maganda ako.
2) Maganda ako.
3) Maganda ako. Period.
No comments:
Post a Comment