Monday, March 7, 2011

Freesky Online

Grabe! Kapag inaalala ko ang nakaraan kong mga ginawa, nanghihinayang ako sa mga sinayang kong panahon. May pagkakataon kasi sa buhay ko na nalulong ako sa isang online game. Ang pangalan ng larong iyon at 'Freesky Online' na dinevelop ng IGG (I got Games).

Hindi gaanong appealing ang graphics ng game at komplikado ang controls nito. kaiangan siguro ng halos isang linggo para lubusan kang masanay sa mga dapat gawin (maaaring mas matagal pa, depnde sa pick up mo). Noong ako ang naglalao, inabot din ng halos isang (1) buwan bago ko lubusang masanay sa laro.

Ang goal mo sa larong Freesky online ay makapagpalakas at makapagparami ng army. Dalawa ang paraan ng pagpapalakas mo doon - ang una ay ang pagpapalakas ng iyong Commerce Reputation at ang isa naman ay ang pagpapalakas ng iyong military occupation. Habang tumataas ang iyong reputation, nakakaipon ka ng tinatawag na skillpoints. Ang skill points na ito ay kailangan mo upang malevel-up ang mga skills na kailangan mo upang makagawa ka ng mas malalakas na army at mas mabibilis na pagawaan ng mga parts.


Higit sa lahat, mas nahulog ako sa game na ito dahil sa 'Chat Feature' nito. Madami akong naging kaibigan sa game na magpasa hanggang ngayon ay nakakausap ko pa rin.


Bukod pa rito, maaari kang bumuo ng 'Alliance' dito sa game na ito.May isang aatasang Alliance leader. Maaari siya kumuha ng hanggang 80 na players upang maging miyembro ng Alliance. Ang alliance Leader ay may kakayahang bumuo ng mga miracles. Ang miracle ay mga towers na sa tuwing ina-upgrade ay nagbibigay ng extra bonus sa defense, offense, resources at production speed. Mas mataas na level ng isang miracle, mas matagal  mag-upgrade (minsan inaabot ng 7 araw), mas madaming resources ang kailangan para maupgrade at mas maraming threat kaya sa tuwing ina-upgrade ang miracle, lahat ng miyembro ng alliance ay pinipilit na magpdala ng army sa miracle para protektahan ito at banggain ang paparating na sumusugod.

Sa larawang ito makikita ang mga depensa na nakabantay sa 'PAGAWA' Miracle Village. Ang pulang ilaw sa tabi ng miracle ay ang paparating na atake. Ang berde naman ay ang paparating na depensa. Kinakailangan sapat ang dami ng depensa sa dami ng umaatake. Ang sagad na dami ng isang army noon ay 100,000 tons. Kinakailangan ang babangga sa ganyan karaming army ay katulad din niya ng dami o mas kaunti ng konti. Hindi uubra ang depensa na mas konti ang army at reputation ng player. Uubra kung mas konti ang army pero mas mataas ng reputation ng player na dumidepensa kaysa sa umaatake.

Ano ba ang napapala sa pakikipaglaban? Sa pakikipaglaban kasi nakukuha ng military reputation. Mas mahirap mag ipong military reputation kaysa sa commerce reputation sapagkat noong tumagal na ang laro, may nakadiskubre na pwedeng dayain ang commerce reputation dahil ito ay nakukuha sa pagbebenta lamang kumpara sa military reputation na kailangan talaga ay makipagsagupaan at malagas ng army.

Pero sa totoo lang, madaming oras akong sinayang sa paglalaro nang game na ito na wala naman akong napala. Madaming panahon ang nasayang sa akin. Ngunit masasabi ko rin na noong naglalaro pa ako nito, iyon ay maituturing kong isa sa pinakamasaya kong mga naging karanasan. :)

No comments:

Post a Comment