Thursday, March 17, 2011

Repost: KAGANDAHAN


Repost from Friendster Blog


Madaming nagsasabi sa akin na bakit hindi na lang daw ako magpapayat kasi mas maganda raw ako nung payat o dahil sobrang taba ko na raw.


Andaming babae ang halos magpakamatay na sa pagpapayat. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan payat ang isang tao para masabing maganda. Inaamin ko na may mga pagkakataong naiinggit ako dahil may mga damit akong hindi masuot na hindi tulad ng ibang babae e kahit ano ang isuot, nagkakasya. Pero sa totoo lang, hindi pagpapayat ang pangarap ko at ayokong maging maganda dahil pumayat ako.
Oo, hindi ko naman sinasabing wala akong kabalak-balak magpapayat o wala akong pangarap na pumayat. Meron din naman. Pero sa totoo lang, kaya ko gusto magpapayat e para maiwasan ko ang mga sakit. At upang masuot ang mga gusto kong damit (na kung sana’y may gumagawa ng maraming malalaking damit at magaganda) e hindi ko na kailangang magpapayat. Take not, hindi ako nagpapapayat para sa inyo. Ito ay para sa akin.


Sa buhay ko, wala na yata akong problemang malaki bukod sa pera. Masaya ako sa lahat ng ginagawa at nangyayari sa buhay ko ngayon. Bakit? Kasi tanngap ko kung ano ang meron ako at kung sino ako. May mga pangarap din ako ngunit sila ay nagsisilbing pathway o direksyon lamang kung saan ako dapat pumunta. Kung anuman ang ibigay o dumaan sa akin, malugod ko iyong tatanggapin. Kaya nga sa tuwing tinatanong ako o may nagtatnong kung ano ba ang greatest regret ko sa buhay, "wala" ang sagot ko. Sapagkat kung anuman ang meron ako o ang nangyayari sa akin ay pinili ko at kung anuman ang mga kahinatnan ng mga desisyon ko noon, maluwag sa puso ko itong tinatanggap.


Sa buhay, para sa akin napakahalaga na marunong tayong tumanggap sa kung ano ang meron tayo at kung ano ang kaya lang nating abutin. Sapagkat ang kagalingan at kagandahan ng isang tao ay hindi nasusukat sa kapal ng pitaka, sa dami ng matang lumilingon, sa haba ng karansan sa akademya o propesyunal, kundi ito ay tinitignan sa kung paano kayang dalhin ng isang tao ang kanyang sarili at buhay at maging maligaya sa kabila ng kakulangan sa pera, kasiraan ng mukha, o kawalang edukasyon. Kung tayo ay marunong makuntento, walang istandard ang kagandahan at kagalingan sapagkat ang bawat isa sa atin ay maganda ayon sa pagtingin natin sa kagandahan.


Maaring mataba nga ako o hindi nakakaangat sa buhay, pero masasabi kong maganda ako. Maganda ako at masaya. Masasabi kong sa buhay ko, wala na akong hahanapin pang iba.


Para sa mga makulit na nagsasabing magpapayat na ako o mataba ako:
1) Maganda ako.
2) Maganda ako.
3) Maganda ako. Period.

Para Sa Iyo, Aking Anak


















Inaalagaan kita dahil akin ka.
Ginusto kitang dumating sa buhay ko
At sa abot ng aking makakaya,
ay mailayo ka sa anumang kapahamakan.
Inaalagaan kita upang maging masaya ka
na walang ibang mananatili sa iyo
kundi ang magagandang alaala.
Hindi ko man maibigay ang lahat ng karangyaan sa iyo,
magagawa mong ituring na espesyal
ang mga simpleng bagay na meron ka.
Inaalagaan kita upang maging matapang ka.
Makabuo ng lakas ng loob
upang harapin ang hamon ng buhay
At lahat ng bagay na nanaisin mo,
ay maaari mong makamtan.
Inaalagaan kita upang matuto ka.
Maintindihan mo kung alin ang tama sa mali
maging mahusay sa anumang larangan
na iyong suungin.
Inaalagaan kita dahil mahal kita.
Upang matutunan mo kung paano ang magmahal
at maramdaman kung paano ang mahalin.

At pagdating ng panahon, pinapangarap kong maging
mahusay ka, magaling, mapagmahal at lahat ng
bagay na maganda, sana'y makuha mo.
Hindi ako aasa na ibahagi mo sa akin ang iyong tagumpay.
Ngunit asahan mong hindi kita pababayaan
sa mga panahong madadapa ka at magkakamali.

Anak, hindi kita inaalagaan at pinalalaki upang maipagmalaki kita.
Huwag mong isipin iyon.
Lubos na karangalan na sa akin ang maging magulang mo.

Sana maintindihan mo na
Wala akong ibang hangad kundi ang maging matagumpay
sa pag-aalaga at pagpapalaki sa iyo.
Gusto ko lamang balang-araw, maipagpasalamat mo sa Diyos
na ako ang naging magulang mo.

Anim na Araw Bago Ako Ikasal

Natuwa naman ako. Nang hinanap ko sa google yung ginawa kong maikling kwento sa www.tinig.com, may mangilan-ngilan na search result ang lumabas mula sa iba't ibang sites. Nakakatuwa lang isipin na may mga taong hindi ko kilala ang naka-appreciate sa ginawa ko. Kung nasi ninyong mabasa ang kwentong ito, sundan lamang ang link na ito: 

Tuesday, March 8, 2011

I am now a Gawad Kalinga Volunteer

Binigyan kami ng supervisor namin ng task na i-decorate yung office namin. The big boss (aka Sir Dylan) would like to see pictures of the GK sites sa office at sa amin ni Loren and Lyn ipinasa ang task na ito. Habang naghahanap ako ng pictures ng GK Sites sa google, I came across 'Gawad Kalinga' website. Well, saan pa nga ba hahanap ng pictures ng Gawad Kalinga Sites kundi sa Gawad Kalinga website?! Diba?


Anyway, nakita ko na pwede ka pala magpamember sa Gawad Kalinga at sumali sa mga projects nila as volunteer. Nakaramdam ako ng sort of fulfillment pagkatapos kong gawin iyon kasi matagal-tagal ko na ring pinapangarap maging volunteer. Mabuti na lang at nakita ko ang Gawad Kalinga.


Matagal ko na alam ang tungkol sa Gawad Kalinga. The thing is, hindi ko naman alam kung paano maging member. Kaya naman nung nakita kung gaano kadali magpamember, naengganyo agad ako. Now, the challenge is to make a group of people who shares the same advocacy - ang makatulong. I want to focus on children. I want to inflict sa kanila na hindi hadlang ang kahirapan para maging matagumpay sa buhay. Kahit hindi na maging matagumpay, yung maiahon nila ang kanilang mga sarili sa kahirapan sa sarili nilang pagsisikap.


Kaya lang kakaunti lamang sa mga kaibigan at kakilala ang may ganitong pananaw sa buhay. Bilang lamang ang mga taong interesadong makibahagi sa akin ng advocacy na ito kaya minsan, nalulungkot rin ako dahil feeling ko, ako lang ba ang may pakielam? Ngunit, sabagay, hindi naman kailangan na madala ko silang lahat o maengganyo ko sila na samahan ako. Dahil kung gusto ko, dapat simulan ko sa sarili ko. Iyan ang challenge ko sa sarili ko ngayon.

Monday, March 7, 2011

Pagsubok sa Mag-asawa

Hindi na naman kami nagkasundo.

Masama ang gising ko. Masama ang mood nya. Napuyat kasi ako sa bunso namin kagabi na gumising ng madaling-araw (around 2am) at natulog nang halos mag 4am na. Gumising ako para maghanda sa pagpasok sa trabaho ng 7am.

Nang nagpatawag ako sa kanya, nalalakasan daw siya sa speaker ng phone niya. Hindi na niya halos naririnig ang sinasabi ko na "kumusta na siya" at mas iniintindi niya ang kanyang telepono. Nawalan ako ng gana at uminit ang ulo agad hanggang sa hindi na nagiging maayos ang usapan namin. Well. Wala lang ako masabi kundi.. Nakakainis! 



Ito lamang po ay isang ekspresyon ng aking inis bagamat alam kong napakababaw lang... hahaha! Pasensya naman.

Freesky Online

Grabe! Kapag inaalala ko ang nakaraan kong mga ginawa, nanghihinayang ako sa mga sinayang kong panahon. May pagkakataon kasi sa buhay ko na nalulong ako sa isang online game. Ang pangalan ng larong iyon at 'Freesky Online' na dinevelop ng IGG (I got Games).

Hindi gaanong appealing ang graphics ng game at komplikado ang controls nito. kaiangan siguro ng halos isang linggo para lubusan kang masanay sa mga dapat gawin (maaaring mas matagal pa, depnde sa pick up mo). Noong ako ang naglalao, inabot din ng halos isang (1) buwan bago ko lubusang masanay sa laro.

Ang goal mo sa larong Freesky online ay makapagpalakas at makapagparami ng army. Dalawa ang paraan ng pagpapalakas mo doon - ang una ay ang pagpapalakas ng iyong Commerce Reputation at ang isa naman ay ang pagpapalakas ng iyong military occupation. Habang tumataas ang iyong reputation, nakakaipon ka ng tinatawag na skillpoints. Ang skill points na ito ay kailangan mo upang malevel-up ang mga skills na kailangan mo upang makagawa ka ng mas malalakas na army at mas mabibilis na pagawaan ng mga parts.


Higit sa lahat, mas nahulog ako sa game na ito dahil sa 'Chat Feature' nito. Madami akong naging kaibigan sa game na magpasa hanggang ngayon ay nakakausap ko pa rin.


Bukod pa rito, maaari kang bumuo ng 'Alliance' dito sa game na ito.May isang aatasang Alliance leader. Maaari siya kumuha ng hanggang 80 na players upang maging miyembro ng Alliance. Ang alliance Leader ay may kakayahang bumuo ng mga miracles. Ang miracle ay mga towers na sa tuwing ina-upgrade ay nagbibigay ng extra bonus sa defense, offense, resources at production speed. Mas mataas na level ng isang miracle, mas matagal  mag-upgrade (minsan inaabot ng 7 araw), mas madaming resources ang kailangan para maupgrade at mas maraming threat kaya sa tuwing ina-upgrade ang miracle, lahat ng miyembro ng alliance ay pinipilit na magpdala ng army sa miracle para protektahan ito at banggain ang paparating na sumusugod.

Sa larawang ito makikita ang mga depensa na nakabantay sa 'PAGAWA' Miracle Village. Ang pulang ilaw sa tabi ng miracle ay ang paparating na atake. Ang berde naman ay ang paparating na depensa. Kinakailangan sapat ang dami ng depensa sa dami ng umaatake. Ang sagad na dami ng isang army noon ay 100,000 tons. Kinakailangan ang babangga sa ganyan karaming army ay katulad din niya ng dami o mas kaunti ng konti. Hindi uubra ang depensa na mas konti ang army at reputation ng player. Uubra kung mas konti ang army pero mas mataas ng reputation ng player na dumidepensa kaysa sa umaatake.

Ano ba ang napapala sa pakikipaglaban? Sa pakikipaglaban kasi nakukuha ng military reputation. Mas mahirap mag ipong military reputation kaysa sa commerce reputation sapagkat noong tumagal na ang laro, may nakadiskubre na pwedeng dayain ang commerce reputation dahil ito ay nakukuha sa pagbebenta lamang kumpara sa military reputation na kailangan talaga ay makipagsagupaan at malagas ng army.

Pero sa totoo lang, madaming oras akong sinayang sa paglalaro nang game na ito na wala naman akong napala. Madaming panahon ang nasayang sa akin. Ngunit masasabi ko rin na noong naglalaro pa ako nito, iyon ay maituturing kong isa sa pinakamasaya kong mga naging karanasan. :)

Sunday, March 6, 2011

Pagbubukas

Sa wakas! Matagal ko nang binabalak ang magbukas ng blog page ko. Ngayon ko lang ito nagawa kasi ngayon lang ako nagkaroon ng oras at ngayon ko lang din naalala.

Wala akong ispesipikong topic na irere-view sa page na ito. Lahat ng nakasulat dito ay opinyon at nasaisip lang.

Naway mag-enjoy ka naman sa pagbabasa ng page ko at maging kapaki-pakinabang din ito sa iyo (hopefully).

Salamat sa iyong oras!