Kasalukuyang opisyal ang tito ko noon sa Armed Forces of the Philippines. Siya ang heneral ng Communications department ng buong AFP kaya naman marami siyang radyo na nakatabi. Ayaw niya itong ipagalaw sa aming magpipinsan ngunit dahil matigas ang ulo namin, ginamit namin yun mga luma niyang stock. Nagset-up kami ng antenna sa bubong ng bahay sa Clark noon at natutong makipagusap sa radyo.
Una akong magradyo nang nagbakasyon ako sa Clark. Nadatnan ko na lamang ang mga pinsan ko na abala sa pakikipag-usap sa radyo at sinalubong pa ako ng napakadaming kwento ng kanilang mga pakikipag eyeball sa kanilanf mga ka-radyo. Tinuro nila sa akin ang paggamit ng codename. Ang code name ay dapat 3-letter word lang. Obviously, ang code name ko ay tino tango-india-nancy. Bilang baguhan, ang tawag sa akin ay green apple at ang aking unang sinabi sa radyo ay breaker! Green apple!
In an instant, madaming nag-welcome sa akin at tinuruan ako ng mga basics.
Sa radyo, ang mga sibilyan na naguusap dito ay gumagamit ng mga frequencies bilang kanilang home frequency. Kung ikukumpara sa chat, ito yung tinatawag na chatroom. Pinapangalanan nila ang mga frequency gaya na lamang ng una kong napuntahan, ang dragon base ng Pampanga. Lahat ng nakakasagap ng frequency na ito ay maaaring makipagusap sa iba pang mga taong nagraradyo. Kalimitan, ang mga tumatambay sa frequency na ito ay nakatira rin malapit sa area.
Sa katagalan ay maeestablish ang friendship sa mga taong madalas mogn makakasalamuha sa radyo at kalimitan ay nakikipagkita kami sa kanila. We went as far as Nueva Ecija para lamang makipagkita. Ang mga pinsan ko, nakatagpo ng mga lovelife sa radyo ngunit ang mga ito ay panandalian lamang. Higit sa lahat, nakatagpo rin kami ng mga kaibigan na pangmatagalan at magpasa-hanggang ngayon ay nakakausap pa rin namin.
Isa sa hindi ko makakalimutang nakilala ko ay si Hill. Bago ko pa man siya nakilala ay bukang bibig na siya ng mga pinsan ko dahil gwapo raw. Hindi ko alam ang depenisyon ng gwapo sa kanila at duda ako na ang gwapong tinutukoy nila ay hindi naman talaga gwapo. So isang gabi, ipinakilala nila ako sa kanya.
Nagpunta kami sa bahay ni Hill sa may Angeles. Hind kalayuan ang inuupahan niyang apartment sa malapit sa Clark. Nagbihis kami ng maayos. May dalang Buko Pandan naman ang pinsan ko upang amng pasaluhan. Nag-aya kasi siyang mag-inuman ng kaunti sa bahay nila.
No comments:
Post a Comment