Thursday, December 29, 2011

Radyo

Naalala ko noong panahon ng transisyon ng pager to cellphone, in between noon ay nauso sa amin ang radio. Hindi ito yung may am at fm radio ang tinutukoy ko kundi ang radio na ginagamit ng mga pulis, security guards at sundalo.

Kasalukuyang opisyal ang tito ko noon sa Armed Forces of the Philippines. Siya ang heneral ng Communications department ng buong AFP kaya naman marami siyang radyo na nakatabi. Ayaw niya itong ipagalaw sa aming magpipinsan ngunit dahil matigas ang ulo namin, ginamit namin yun mga luma niyang stock. Nagset-up kami ng antenna sa bubong ng bahay sa Clark noon at natutong makipagusap sa radyo.

Una akong magradyo nang nagbakasyon ako sa Clark. Nadatnan ko na lamang ang mga pinsan ko na abala sa pakikipag-usap sa radyo at sinalubong pa ako ng napakadaming kwento ng kanilang mga pakikipag eyeball sa kanilanf mga ka-radyo. Tinuro nila sa akin ang paggamit ng codename. Ang code name ay dapat 3-letter word lang. Obviously, ang code name ko ay tino tango-india-nancy. Bilang baguhan, ang tawag sa akin ay green apple at ang aking unang sinabi sa radyo ay breaker! Green apple!

In an instant, madaming nag-welcome sa akin at tinuruan ako ng mga basics.

Sa radyo, ang mga sibilyan na naguusap dito ay gumagamit ng mga frequencies bilang kanilang home frequency. Kung ikukumpara sa chat, ito yung tinatawag na chatroom. Pinapangalanan nila ang mga frequency gaya na lamang ng una kong napuntahan, ang dragon base ng Pampanga. Lahat ng nakakasagap ng frequency na ito ay maaaring makipagusap sa iba pang mga taong nagraradyo. Kalimitan, ang mga tumatambay sa frequency na ito ay nakatira rin malapit sa area.

Sa katagalan ay maeestablish ang friendship sa mga taong madalas mogn makakasalamuha sa radyo at kalimitan ay nakikipagkita kami sa kanila. We went as far as Nueva Ecija para lamang makipagkita. Ang mga pinsan ko, nakatagpo ng mga lovelife sa radyo ngunit ang mga ito ay panandalian lamang. Higit sa lahat, nakatagpo rin kami ng mga kaibigan na pangmatagalan at magpasa-hanggang ngayon ay nakakausap pa rin namin.

Isa sa hindi ko makakalimutang nakilala ko ay si Hill. Bago ko pa man siya nakilala ay bukang bibig na siya ng mga pinsan ko dahil gwapo raw. Hindi ko alam ang depenisyon ng gwapo sa kanila at duda ako na ang gwapong tinutukoy nila ay hindi naman talaga gwapo. So isang gabi, ipinakilala nila ako sa kanya.

Nagpunta kami sa bahay ni Hill sa may Angeles. Hind kalayuan ang inuupahan niyang apartment sa malapit sa Clark. Nagbihis kami ng maayos. May dalang Buko Pandan naman ang pinsan ko upang amng pasaluhan. Nag-aya kasi siyang mag-inuman ng kaunti sa bahay nila.

Nang dumating kami sa kanyang apartment, si Hill ang sumalubong sa amin. Hindi ko alam kung napaaga kami o sadyang ganun lang siya. Kasi ba naman, sinalubong niya kami nang walang damit pang-itaas. Makikita mo ang well-built niyang katawan. Kumikinang pa ang gold necklace na suot niya. Matangkad siya. Nasa 5'11 siguro ang height or higit pa. Higit sa lahat, napagwapo niya. AS IN! Hindi ko akalain na ang ganoong hitsura ay nagraradyo.

 

Wednesday, December 28, 2011

Chili Garlic

20111229-002342.jpg

Been thinking of starting up a chiligarluc business.

The Life at 30

I've been longing for this vacation for so long! I was planning a long weekend trip with family. However, rather than vacationing, I ended up spending my 1 week vacation in the doctor's office and series of tests.

What prompted me was the blood pressure spike last 26th of December when Kiko and I went to a medical mission. I do understand though that my prior night's activities contributed a lot since we drank wine and stayed up til 3am then woke up around 7am the next day. I've been pushing my self to the limits.

Aside from the blood pressure, I'm also worried about my menstruation as I am bleeding like a faucet. Last Christmas, my menstruation Started early with a heavy flow. Prior to that, I bled from late October to early December with randomly changing flows from spotting to heavy. Took a few tabs of ferrous sulfate to replace the lost blood. My menstruation has been literally crazy.

Finally, after all the health misfortunes I have been encountering for the past months, I decided to finally end the wondering and went to see the doctor earlier today. Results are yet to be disclosed until I am done with the laboratory tests which I am scheduled to take tomorrow. Hopefully by Saturday, I will finally discover what is causing these abnormalities and eventually cure my self.

Monday, December 19, 2011

Anim na Araw Bago Ako Ikasal

Anim na Araw Bago Ako Ikasal


Kristine Alvarez 6/24/2008


Dadalhin ko na rin sa wakas ang pangalan mo at ang mga magiging anak ko ay dadalhin na rin ang pangalan mo. Dadaloy sa kanila ang dugo mo at lahat ng sa akin at sa pagkatao ko ay kaugnay na sa iyo. Mahal na mahal talaga kita.

Anim na Araw Bago ang Kasal

Ang sabi ni Nilo, dito niya tayo pupuntahan. Aayusin muna niya ang pagpa-file niya ng leave sa opisina. Sabi niya, mga alas-singko siya makakarating pero kung hindi pa siya dumating within one hour, umalis na tayo. Hindi pa naman ako naiinip pero mahigit isang oras na tayong nakatunganga rito. Malapit nang maubos ang pera mo sa kakabili ng french fries. Panglima na natin ito.

Hindi naman talaga ako naiinip basta ikaw ang kasama ko. Sa kauna-unahang pagkakataon nga, bukod doon sa unang date natin, ngayon lang ulit tayo nakapagsolo sa lugar na ito. Sa mismong lugar na ito kung saan kita sinagot. Naaalala mo ba nung sagutin kita, muntikan ka nang mapatayo sa kinauupuan mo sa sobrang tuwa? Tapos, umorder ka ng tatlong hamburger, tatlong large coke at tatlong french fries. Sabi mo, kaya tatlo kasi ‘I Love You’. Sobrang corny mo talaga pero tinablan ako. Naaalala mo pa ba yun?

Wala pa rin si Nilo. Nakakaramdam na ako ng pagkainip kasi wala na tayong mapag-usapan. Sabihin mo na lang kay Nilo na hindi na natin siya nahintay.

Ihahatid mo pa ba ako?

Oo? Okay.

Salamat sa hatid. Ba-bye! I love you.

Limang Araw Bago Ako Ikasal

Tumawag si Nilo kagabi. Nagso-sorry at pinaghintay niya tayo ng matagal. Marami raw kasing pinagawa sa kanya yung boss niya dahil nga matagal siyang mawawala sa trabaho.

Inimbitahan ako ng mommy niyo na mag-dinner diyan sa bahay niyo ngayon. Si Nilo na lang ang magsusundo sa akin. Sana nga ikaw na lang, e. Pero di bale, magkikita naman tayo mamaya diyan sa inyo. Ano kaya ang ihahain ni mommy? Basta, alam ko, hindi mawawala ang paborito mong kare-kare.

Hinahanap ka pala ni Papa. Matagal na raw siyang walang kainuman at kasama sa pagvi-videooke. Alam mo naman yun, mula nang madiskubre niyang mahilig kang kumanta, madalas ka nang pinapupunta sa bahay. Kaya lang ngayon, mula nang mapabalita ang kasalan, hindi ka na nagpupunta dito. Mabuti na lamang at sinasabi namin ni Mama na busy ka lang sa kasal kaya hindi ka na nakakapunta nitong mga nakaraang araw. Anlaki ng pasalamat ko sa iyo kasi talagang tinutulungan mo ako sa preparations. Yang kapatid mong si Nilo, di maasahan talaga. Paano naman kasi workaholic. Kaya ayan, kayo na lang ni Mommy mo ang halos gumagawa ng lahat. Kawawa ka naman. Sana wag kang mapagod.

Ayan na si Nilo. See you later!

Ang guwapo mo sa suot mong polo. Kung hindi ako nagkakamali, iyan yung niregalo ko sa ‘yo noon. Birthday mo yata yun. Mukhang bago pa rin, ha?! Buti na lang at iniingatan mo. Masarap talaga ang kare-kare ni Mommy. No wonder paborito mo. Wag kang mag-alala, pag-aaralan kong ma-perfect ang pagluluto niyan.

O siya, magkita na lang tayo sa araw ng kasal. Mami-miss kita. Pero okay lang, apat na araw na lang naman. Mag-aasikaso rin kasi ako ng mga darating naming kamag-anak galing probinsiya bukas.

Pakisabi kay Mommy, salamat sa dinner. I love you!

Apat na Araw Bago Ako Ikasal

Nagkita pa rin tayo. Talagang hindi na yata tayo pwedeng paghiwalayin. Sabagay, hindi naman nating sinasadyang sa parehong oras natin kukunin ang gown ko at barong mo sa modista. Huwag kang mag-alala. Gawa na ang gown ko dati pa, kaya lang pina-adjust ko lang ng konti yung laylayan kasi mahaba masyado. Baka madapa ako sa simbahan. Ikaw ba? Yung barong mo ba, e OK na? Yung kay Nilo? Magpa-pogi ka ng husto sa kasal para naman lalo akong kiligin sa iyo. Gaya nung mga unang buwan natin nun. Yung lagi mo akong sinusundo sa school. Ang gwapo-gwapo mo lagi at ang bango-bango. Inggit nga sa akin nun yung mga barkada ko kasi nakabingwit daw ako ng gwapong boyfriend. Kung alam lang nila kung ilang luha ang ibinuhos ko sa kakaselos sa mga kaibigan mong babae. Na halos ibalandra nila ang kaluluwa nila para mapansin mo lang. Ikaw naman, kumakagat. Nahirapan talaga ako nun.

Ano? Samahan kita sa McDo?

Okay.

Talagang si Mommy, paborito ang Big Mac. Halos araw-araw yata siyang nagpapabili sa iyo o kaya naman kay Nilo. Sige at sasamahan na kita. Tapos ihatid mo na ako.

Bumaba ka muna dahil gusto kang makita ni Maymay. Natatandaan mo yung pinsan kong yun na nakasama natin nun sa outing? Nasa bahay na sila ngayon. Galing pa silang Nueva Ecija. Nariyan din sila Auntie Lina at Uncle Boyet at yung iba ko pang kamag-anak na hindi mo pa nakikilala. Tara, pasok ka muna.

Tignan mo ang mukha ni Papa nang makita ka. Biglang natuwa. Napa-inom ka tuloy ng di oras. Alam mo namang minsan lang magkita-kita yang mga yan kaya may inuman session sila ngayon sa bahay. Kanina pa nga nagda-drama si Papa dahil sandaling panahon na lang, kukunin na raw sa kanya ang panganay niya. Akala mo naman mamamatay ako.

Pasensiya na at natagalan ka sa bahay. Tinawagan ko na naman si Mommy. Sinabi kong nandito ka. Okay lang daw. Wala rin si Nilo sa inyo. Nagpunta raw doon sa mga pinsan niyo sa Laguna. Namigay ng Invitations.

Sige na at hinihintay na ni Mommy ang Bigmac niya. Ingat ka. I love you.

Tatlong Araw Bago Ako Ikasal

Tumawag ako sa bahay ninyo kanina. Nasa airport daw kayo ni Nilo. Sinundo niyo raw yung Tito n’yong galing America. Oo nga pala, ngayon nga pala darating si Tito Ricky. Nakalimutan kong binanggit mo sa akin iyon kagabi. Talagang tuloy na tuloy na ang kasal. Umuwi pa si Tito Ricky dito para sa kasal. Natutuwa ako dahil tinupad niya ang pangako niyang darating siya sa kasal ko. Sabi niya sa akin noon, “Pangako iyan, darating ako sa kasal mo at ng pamangkin ko.”

Hindi ba’t si Tito Ricky ang bridge natin noon? Siya ang nag-aabot ng love letters mo para sa akin. Madalas ka pa nga niyang bini-build up sa akin. Mabait ka raw. Kesyo ikaw ang pinakapaborito niyang pamangkin dahil makulit at kuwelang kasama. Samantalang ang kapatid mo namang si Nilo, seryoso at hindi masyadong nakikisama sa inyo. Oo nga pala, nakilala na rin pala ni Papa si Tito Ricky nung minsang isinama mo siya sa inuman niyo dito sa bahay.

Hindi ko na mahintay ang pag-uwi n’yo. Pagod din kasi ako sa opisina. Kailangan ko rin ng beauty rest para naman maganda ako sa kasal. Goodnight! I love you so much!

Dalawang Araw Bago Ako Ikasal

Kausap ko si Nilo kanina. Napakarami daw ng tao diyan sa bahay niyo. Pareho tayo. Busy lahat ng tao. Balita ko nga at may inuman daw diyan dahil nakumpleto kayong magpipinsan.

Isang araw na lang at kasalan na. Medyo excited na rin ako kasi magiging bahagi na ako ng pamilya mo. Ito ang matagal ko nang pinangako sa sarili ko. Pangarap ko talaga na makilala at maka-close ang Mommy at Daddy mo. Noon kasi, ayaw mo akong ipakilala sa kanila. Sabagay okay lang kasi sa amin din naman, hindi kita naipakilala bilang boyfriend ko. Lagi ko pang sinasabi kay Papa na barkada at bestfriend kita. Hindi naman sila nagduda kasi wholesome naman tayo kapag nasa bahay. At malaki naman ang tiwala nila sa akin. Pero hindi ko makakalimutan nung minsang sinabi ni Papa na sana ikaw na lang daw ang maging manugang niya. Natawa ako pero sa loob-loob ko nun, kinikilig ako.

Naiinip na ako. Gusto ko nang hilahin ang oras. Excited na akong maging Mrs. Alonzo.

Good night.

Huling Araw Bago ako Ikasal

Kinakabahan na ako. Bukas na ang kasal at napakarami nang mga tumatawag at bumabati sa akin. Parang gusto ko nang umurong. Biro lang. Alam kong malaking hirap na ang ginawa natin para maging perfect ang kasal na ito. Papunta na nga ako ngayon sa reception. Ipinag-drive ako ni Bong.

Naalala mo ba si Bong, yung pinsan kong taga-Mandaluyong? Oo nga pala, paano mo nga naman makakalimutan si Bong e ibinigay ko ang virginity ko sa iyo noong debut niya. Dun pa nga yun sa kwarto niya. Tulog na lahat dahil grabe ang inuman natin ng mga pinsan ko. Lahat naghanap na ng kanya-kanyang pwesto sa sala nila. Wala na tayong matulugan kundi sa kwarto ni Bong. Pagkatapos ng nangyari, lumabas ka ng kwarto. Alam mo bang natakot ako nun kasi akala ko uuwi ka na at iiwanan mo na ako? Hinayaan ko na lang. Sabi ko, bahala na. Pero nung maalimpungatan ako sa pagtulog, nakita kita sa pintuan ng kwarto. Nakatayo, nakangiti at nakatitig sa akin. Mukhang matagal ka nang nakatayo sa may pintuan. Sabi mo, mahal na mahal mo ako. Nilapitan mo ako at hinagkan. At tinanong mo ako kung kelan tayo magpapakasal. Iyon ang pinakamasayang araw ng buhay ko.

Sabi ng coordinator, dumaan kayo ni Nilo rito. Nakita mo na pala ang pina-decorate kong roses. Sabi mo kasi nun, rosas na puti ang bagay sa akin. Tanda ng kalinisan at kabutihan ng aking kalooban. Tuwang-tuwa nga raw kayo ni Nilo. Nagulat nga yung coordinator kasi parang napaluha ka pa raw.

Sabi ko na e. Mahal mo ako.

Araw ng Kasal

Madaling-araw pa lang gisng na ako. Iniisip ko kung gising na rin kayo. Narinig ko nga si Mama na tumawag dyan sa bahay niyo. Gising na raw si Nilo. Ikaw naman, tulog pa. Anong oras ka ba gigising? Baka mahuli ka sa kasal.

Dumating na yung make-up artist. Buti na lang at nakaligo na ako. Sabi ko sa kanya huwag masyadong makapal. Ayokong kapalan niya ang make-up ng mata ko. Sabi mo kasi sa akin, ang mga mata ko ang pinakapaborito mo. Kapag tinititigan mo, parang nangungusap.

Ang gulo-gulo na rito sa bahay. Yung photographer at videographer, pinapa-pose ako ng paulit-ulit. Nainis nga ako. Sabi ko, kung talagang magaling kayo, maka-capture niyo ang magagandang eksena na di na kailangang ulit-ulitin. Di ba?

Sinuot ko na ang gown ko. Sila Mama at Papa, nag-iiyakan na. Lalo tuloy nakakadagdag sa kaba. Kinakabahan din ako. Hindi ko lang ipinahalata.

Papunta na kami dyan. Sabi ni Mama, nasa simbahan na raw kayo. Si Papa, lalong naluluha habang papalapit sa simbahan. yakap nang yakap sa akin. Akala mo naman mamamatay na talaga ako.

Nagsimula na ang entourage. Ang galing ha? Sakto sa pagdating ko. Kinakabahan na ako, mahal ko. Andaming tao. Hindi ko akalain na ganito para karami ang darating. Halos mapupuno na ang simbahan.

Naku! Bakit andito si Sandy? Nahaluan tuloy ng inis ang kaba ko. Pagkatapos ng dalawang taon, hindi ko pa rin makalimutan ang babaeng yan. Ipapakilala mo na sana ako sa pamilya mo nun. Nakabihis na ako nang tumawag ka. Sabi mo sa akin, hindi na tayo matutuloy. Sabi mo, lasing ka nun. May nangyari sa inyo ni Sandy. Nabuntis mo siya at sumugod sila sa bahay niyo. Nakipaghiwalay ka sa akin nun. Alam mo bang nagpunta ako sa inyo nun? Itinakas ko yung kotse. Nakita kita, kayo nila Mommy at Daddy sa bintana ng sala n’yo, kausap si Sandy at ang magulang niya. Iyak ako ng iyak sa kotse. Buti na lang at nakita ako ni Nilo. Kadarating niya lang nun galing office. Tinanong niya ako kung okay lang ba ako? Sabi ko, iniwan ako ng boyfriend ko. Hindi ko sinabi na ikaw ang tinutukoy ko. Alam mo, sinamahan niya ako at dinamayan sa kalungkutan. Hanggang sa maging okay na ako.

Ang gaganda talaga ng mga puting rosas. Pati ang nilalakaran ko, parang ulap. Puting-puti. Natatanaw ko si Mommy at Daddy mo. Umiiyak din. Lalo naman si Mama. Dinig na dinig sa buong simbahan ang kanyang mga hikbi.

Nakikita na kita. Ang gwapo mo. Naiiyak na ako, mahal ko. Ito na ang simula ng bagong buhay natin. Si Nilo, naluluha, ikaw, bakit ka umiiyak?

Sa dulo, kinamayan kayo ni Papa. Parang huminto ang mundo ko sa mga oras na ito. Niyakap mo ako ng mahigpit bago iabot ni Papa ang kamay ko kay Nilo.

Sabi ko sa iyo, gusto kong makilala ang pamilya mo, maging bahagi ng buhay nila. Gusto kong dalhin ang pangalan mo, dumaloy sa mga anak ko ang dugo mo. Kaya lang iniwan mo ako.

Mahal na mahal kita kaya pakakasalan ko ang Kuya mo.

Saturday, December 17, 2011

The Point of View of a CS

We're here to find solutions to your concerns, find answers to your questions and our mission is to always keep our customers happy.

Little did they know that there are real people behind the text and email messages, a person at the end of the line and a person behind the smiling faces. Despite The troubles we face each day, we still strive to become the heroes we are expected to be. I find it fun rather than dragging to pretend to be okay when the truth is we are also dealing with our own personal concerns and seek answers to our own personal questions.

Friday, December 9, 2011

Hello my Audience

Testing this blog site. Hmm... pretty neat! This is a bit confusing though compared to blogger. Blogger is more user-friendly.

Wednesday, December 7, 2011

Hello world!

Welcome to WordPress.com. After you read this, you should delete and write your own post, with a new title above. Or hit Add New on the left (of the admin dashboard) to start a fresh post.

Here are some suggestions for your first post.

  1. You can find new ideas for what to blog about by reading the Daily Post.

  2. Add PressThis to your browser. It creates a new blog post for you about any interesting page you read on the web.

  3. Make some changes to this page, and then hit preview on the right. You can always preview any post or edit it before you share it to the world.