Monday, May 23, 2011

Arayat Pampanga: A Family Reunion

Fiesta sa Candating, Arayat, Pampanga kahapon. Hindi dapat kami pupunta pero we decided to go kasi sisilipin din namin yung Fish Pond ng family namin doon (pero hindi rin naman kami tumuloy kasi nagkatamaran na). Ansarap tumambay sa likod bahay ng ancestral home namin. Doon lang namin na-appreciate ang ilog sa likod-bahay, samantalang noong bata kami, takot na takot akong pumunta kasi walang hand rails. Kung pupunta ka sa likod bahay ng gabi nang hindi ka maingat, mahuhulog ka talaga sa bangin. The ravine is about 10 to 15 ft high.



What's funny is, sa likod bahay naming iyon, nakatambay ang halos 10 pieces na kalabaw ng kapitbahay. Medyo maamoy nga yung poopies nila na nagkalat. Noong una medyo annoying pero later on parang na-immune kami. So kaming magpipinsan, tumambay na doon. Nagfishing ang brother ko at ang bestfriend niya. While the rest were just talking, enjoying the view and singing along. Maingay yung karaoke ng magkabilang kapitbahay namin kaya kami naman e nagpasiklab ng gitara at kantahan.

Ang mga pagkakataong gaya nito ang hindi ko masyadong pinahahalagahan noon dahil siguro feeling ko obligasyon ang pagpunta sa Pampanga. Pero ngayong nagka-edad na ako, I realized na mabuti na rin lang, kahit na napipilitan ako noong bata ako na sumama sa Pampanga, nagkaroon ako ng pagkakataon  na makilala ang mga pinsan ko at hindi naman nakakapansisi sapagkat ngayong matatanda na kami buo at solid ang pagmamahal at pagmamalasakit namin para sa isa't isa.


Lahat ng magagandang samahan na nakikita ng mga tao sa aming magpipinsan at magkakamag-anak ay dahil sa aming mga magulang. Sila ang nagpipilit sa amin noong mga bata pa kami na sumama sa Pampanga kahit labag sa aming kalooban. Ngayon, inaani na namin ang good effects ng mga simpleng bagay na ito na noon ay binabalewala namin. Kaya thanks to all our Titos and Titas and Parents for bringing us closer together!





No comments:

Post a Comment